Isang Milyong Bayani ang Mamartsa Ngayon


ImageSa ngayon ay alam na ninyo ang animo ay pag-aaklas ng mga Pinoy laban sa katiwalian sa Pilipinas. Kumulo ang mga pangyayari dahil sa isang sumbong ukol sa lagi na nating nirereklamo–ang pork barrel. 

Ngayong araw ng mga bayani ay may mga bagong bayani na lalabas upang ipadama sa pamahalaan na ayaw ng karamihan ang dayain, alipustain at bastusin ng ganun na lang. Kaming mga Pinoy expat ay nakikiisa sa mga bagong bayaning pupunta sa Luneta.

Sa takot ni PNoy sa magiging resulta ng pagtitipon ngayong araw na ito ay inunahan na niya ng anunsyo na kanyang “bubuwagin” ang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Alam naman natin na pinilit buwagin ang “pork barrel” pero lagi, palagi na lamang na ang suma ay ang pagpapalit lang ng pangalan. Ang pagiging kumplikado at supistikado ng paraan ng pandaraya at pagnananakaw sa mamamayang Filipino.

Ayon ako na kailangan na buwagin ang pork barrel o kung anuman ang tawag mo diyan pero malamang ay mahirap na basta-basta tanggalin ito sa ating sistemang baluktot gaya ng nakaugat na korapsyon sa ating kultura. Kung totoo si PNoy sa kanyang panawagan na buwagin ang pork barrel ay tama ang kanyang panawagan ng “transparency” at “accountability”. ‘Di natin basta-basta mabubuwag ang pork barrel hangga’t ‘di natin naayos ang maliliit na detalye na kailangang maayos sa gobyerno. Sa puntong ito isang Facebook user ang nagpaskil ng kanyang opinyon ukol dito. Suma ng kanyang opinyon:

The Abolition of pork barrel system cannot be done overnight. The decision of the President is the most prudent move, given the inherent limitation that the system allows. The important thing to do is to not let up.

Gayunpaman, ako ay sangayon na kailangang mawala ang pork barrel. Mabagal na proseso subalit kung magawa ng tama ay maayos din natin ito. Kung malapit lang ang Luneta, siguradong sasama ako sa Milyong Martsa Laban sa Pork Barrel. Kahit ano ang edad mo, dapat nandun ka rin.

Kahit nasaan ka, makiisa. The world is a global village and with social network, it is just one barangay.

3 thoughts on “Isang Milyong Bayani ang Mamartsa Ngayon

  1. Pingback: Not a Happy Jan After Blog Suspension | Blogbastic!

  2. Thank you for the link back! The fight is not over yet!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s